Join Nostr
2026-11-21 03:14:27 UTC

bitcoinbakamo on Nostr: Key Path at Script Path sa MuSig2 Ngayon naman, ay pag-usapan natin ang mismong ...

Key Path at Script Path sa MuSig2


Ngayon naman, ay pag-usapan natin ang mismong katangian na taproot. Ano pa nga ba sa napag-usapan natin ang may ‘root’? Merkle root! At ang konseptong ito din ang pinagmulan ng taproot.

Ang mga iba-ibang kondisyon upang magasta ang isang UTXO (o Bitcoin na nakatali sa script) ay inaayos sa anyo ng Merkle Tree. Halimbawa, ang MuSig2 ay nakaispesipika para sa n-of-n multi signature (lahat dapat pumirma). Para mapagana sa t-of-n (halimbawa: 2-of-3 sa halip na 3-of-3) ito, maaaring gumawa ng ibang scripts, na alternatibong paraan para maaprubahan ang transaksyon. Paano gagawin iyon?

Ilalagay bilang alternatibong mga scripts ang mga kombinasyon ng 2 signers na posible kapag merong kabuuang 3. Bawat script ay 2-of-2 MuSig2 scheme. Halimbawa, sa 3 partido: A, B at C. May 3 kombinasyon ng tig-2 signers. A&B, B&C, A&C. At bubuuin ang kondisyon para maaaring gumasta gamit ang kahit anong 2-of-2 na kombinasyon. Kaya ang epekto ay parang 2-of-3 multi signature scheme.

Hindi ba mas mabigat ito? Mukha nga, pero, ang paggawa ng scheme na ito ay off-chain.

Ang mga iba-ibang scripts ay gagawan ng Merkle Tree, kung saan ang bawat script ay mapapaloob sa tapleaf. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng kondisyon na parang OR - bawat script sa isang leaf ay magiging alternatibong paraan ng paggasta ng UTXO. Tignan natin ang ilustrasyon ng Merkle Tree at ang iba pang detalye: https://bitcoinbakamo.xyz/archives/1199